Luke 11:2-4

2Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kapag nananalangin kayo, ganito ang sabihin ninyo:

‘Ama, sambahin nawa kayo ng mga tao.
sambahin … mga tao: sa literal, sambahin ang pangalan mo.

Nawaʼy magsimula na ang inyong paghahari.
3Bigyan nʼyo po kami ng makakain sa araw-araw.
4At patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan,
dahil pinapatawad din namin ang mga nagkakasala sa amin.
At huwag nʼyo kaming hayaang matukso.’ ”
Copyright information for TglASD